Napapansin mo ba na minsan sa trading, nakikita lang natin ang gusto nating makita? Maaari itong dulot ng confirmation bias, isang tuso ngunit mahalagang balakid sa iyong paglalakbay tungo sa mastery sa trading.
Ang confirmation bias ay ang tendensiyang paboran ang impormasyong nagpapatibay sa iyong mga kasalukuyang paniniwala o hinuha, na kadalasang humahantong sa hindi balanseng paggawa ng desisyon. Sa trading, maaari nitong maging dahilan para masyado kang mag-focus sa mga market signal na sumusuporta sa kasalukuyan mong posisyon o prediksyon habang binabalewala ang mga ebidensyang sumasalungat dito. Maaari itong magdulot ng mga napalampas na oportunidad o sobrang tagal na paghawak sa mga talong posisyon.
Ang unang hakbang para mapagtagumpayan ang confirmation bias ay ang pagkilala sa mga palatandaan nito:
Pumipili lamang ng impormasyon: Hinahanap lang ang balita o datos na sumusuporta sa iyong mga trading decision habang tinatanggihan ang kabaligtarang pananaw.
Pagbibigay-kahulugan sa mga malabong senyales bilang positibo: Tinitingnan ang hindi tiyak o neutral na market signal bilang kumpirmasyon ng iyong estratehiya.
Labis na kumpiyansa sa paggawa ng desisyon: Pakiramdam ay sobra ang kumpiyansa sa mga trade na tugma sa iyong mga paniniwala, kahit may market volatility.
Narito ang ilang paraan para maiwasan ang confirmation bias sa iyong mga trading decision:
Iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon: Aktibong maghanap at isaalang-alang ang impormasyon mula sa iba’t ibang source, kabilang na ang mga sumasalungat sa iyong kasalukuyang pananaw.
Pre-trade checklist: Gumawa ng checklist na may kasamang objective criteria at market indicators na susuriin bago magsagawa ng trade upang masigurong nakabatay sa datos ang mga desisyon.
Post-trade review: Regular na suriin ang iyong mga trade upang matukoy ang mga pattern ng bias, matuto mula sa parehong tagumpay at pagkakamali, at mas mapino ang iyong estratehiya.
Ang pagtagumpayan ang confirmation bias ay isang hakbang tungo sa tagumpay sa trading. Kilalanin ito, hamunin ito, at gamitin ang mga kontra-estratehiyang aming ibinahagi. Bawat trade ay pagkakataon para isagawa ang bagong kaalamang ito. Sumabak sa aming platform gamit ang mga insight na ito at gawing aksyon ang kaalaman. Ang iyong paglalakbay tungo sa mas matalas at walang bias na trading ay nagsisimula ngayon.